Tuesday, February 22, 2005
Friday, February 11, 2005
Tula ng Pagtatapos
natatandaan mo pa ba
unang pasok sa sekundarya?
alam momkasing dumating na
pinakamasayang taon sa eskuwela
pagpasok sa unang taon
sobrang excited ka non
mga bagong klasmeyt at kaibigan
iyong nakilala, mga bagong pangalan
dumating na ang second year
iba't ibang teachers, nag-appear
may bungo, may mabait
mayroon ding saksakan ng sungit
tuwang-tuwa ka nang sumonod na taon
alam mo kasing may JS Prom
itutuloy mo na sana ang panliligaw mo
pero 'di natuloy, amg Prom mismo!
pagtungtong mo sa huling taon
dito na gagawin paggawa ng desisyon
kung anong iyong magiging misyon
saan tutungo sa susunod pang mga taon
sa taon ding ito, iyong nadama
tunay na kaibigang kumakalinga
napatunayan mo ring hindi tama
magmahal sa taong wala kang pag-asa
subalit may lungkot o saya man
sa hayskul mo lang ito mararamdaman
nahubog, namulat sa katotohanan
kaibigan pala, dapat pahalagahan
kaya sa iyong pagpapaalam
mga alaala 'wag mong iiwan
upang iyong 'di makalimutan
sa buhay haysul, ika'y dumaan.
unang pasok sa sekundarya?
alam momkasing dumating na
pinakamasayang taon sa eskuwela
pagpasok sa unang taon
sobrang excited ka non
mga bagong klasmeyt at kaibigan
iyong nakilala, mga bagong pangalan
dumating na ang second year
iba't ibang teachers, nag-appear
may bungo, may mabait
mayroon ding saksakan ng sungit
tuwang-tuwa ka nang sumonod na taon
alam mo kasing may JS Prom
itutuloy mo na sana ang panliligaw mo
pero 'di natuloy, amg Prom mismo!
pagtungtong mo sa huling taon
dito na gagawin paggawa ng desisyon
kung anong iyong magiging misyon
saan tutungo sa susunod pang mga taon
sa taon ding ito, iyong nadama
tunay na kaibigang kumakalinga
napatunayan mo ring hindi tama
magmahal sa taong wala kang pag-asa
subalit may lungkot o saya man
sa hayskul mo lang ito mararamdaman
nahubog, namulat sa katotohanan
kaibigan pala, dapat pahalagahan
kaya sa iyong pagpapaalam
mga alaala 'wag mong iiwan
upang iyong 'di makalimutan
sa buhay haysul, ika'y dumaan.
Subscribe to:
Posts (Atom)