iba't ibang kalye
liku-likong daan
di lubos maunawaan
kung saan pupunta
saan liliko
saan patutungo
piniling tahakin
ang daan patungo sa'yo
walang ibang hawak
kundi ang pag-asang
tatanggapin mong buong puso
ang pagdating ko
mga matang may ningning
init ng yakap na inaasam
mga salitang kaytagal hinintay marinig
mabilis na pagtibok ng puso
mga pangarap
na mananatiling palang pangarap lang
kasabay ng marahang pagpatak ng luhaang unti-unting paghakbang palayo sa'yo
pabalik sa lugar na pinagmulan
kung saan wala ka
kung saan kailangan mabuhay mag-isa
kasabay ng pangako sa sarili
na kailanman
ay hindi ka na lilingunin pa
kung kaya ko lang sana
No comments:
Post a Comment