Saturday, August 06, 2005

wala e!!!pineapple lang!!!

may nag-usap...

macky--(nasa tamang trip!)
bata--(hehe...victim)

sa tindahan...

bata: paaaaabiiiiiiiileeehh!!!tok3!!(kumakatok)
macky: aaaaaaanoooo yoooooon?!?!?
bata: aaaaayysss kendi ngaaaa pooooohhh!!!
macky: anong pleyvor?
bata: ahhh?yuung istrober.....ay mangga nalang pooooww!!(habang iniaabot ang pera)
macky: wala e!!!pineapple lang!!!hehe!!(nakangisi!!)

a true to life istori!!

:)

parang walking trip lang!!!

kahapon sabi ni jenlyn e sunduin ko raw siya ng 1:30,
kaya un pagkatapos namin ng dev. psy. e
diretso na ko dun sa room N-506
tapos kain kami nila jen, me-an at jaime,
ung dalawa e kakikilala ko lang nung thur.
so un kumain kami ng giniling!!!
tapos may klase na sila nang 3:00

tapos ako nakita ko sila dinah at issay kaya un niyaya ko sila sa gym!!!
para manood ng volleyball kahit napipilitan lang sila!!!
asteeeeg!!!!
may tune-up pala ung balibol team namin sa U.E. !!!
ang ganda ng laban!!!!
kaso natalo ung team namin!!!pero atleast hanggang 5th set!!!

tapos un!!!
pauwi na 'ko nang nakita 'ko ni me-an,kaya un sabayna kami ni jen sa pag-uwi!!!
pucha!!!!walanghiyanghanepashit!!!!
ang haba ng pila dun sa terminal ng bus sa cubao!!!
sana pala e bumaba nalang kami sa seattle!!!

kaya un naghanap nalang kami ng ibang terminal!!!...
...naligaw kami!!!
hanggang makaabot kami sa ali-mall
buti nalang umulan nung nakasakay na kami!!!

un!!!basang-basa kami sa ulaaaaaahaaannn!!!!

pati pa sapatos kong suooowot!!!!

ang sarap ng experience!!!!

at take note!!! 6:00 kami umalis ng iskul tapos 9:00 ako nakauwi sa bahay!!!...

.......kaya un!!!...

...masaya!!!

Monday, July 25, 2005

here with me

she's here with me,
innocent smile while sleeping tight,
with me beside her maximizing the night.
but these hours are quickly running out,
and I just can't fight,
the mornin' to bite.

she's leaving me now...
I don't want to be alone.
keeping my eyes close,
don't wanna see her go.

mesmirizing the sleepless nights,
guarding, watching over her...

there she go;
and my thoughts will follow,
through her fading shadow.....

she's gone away....
never be coming back again
her home with me will still remain
behind door, locked and chained.
...
room of memories of before.
she's here with me...
she's here with me no more.

Thursday, July 21, 2005

hai naku ni-rebyu na nga ung test e 7 paren!!!
kanina,mali -mali pala ung mga pinag-rerebyu namin ni arrah na sagot!!
kaya un!
7 over 10 lang!!!!!!!!!
tapos hinde ko 'lam na halos lahat ng mga klasmeyts ko e ng-sign-up pala
dun sa BSP na un!!!
kaya un wala kaming socio!(wala nga ba?)
...at math(nga ba ulet?)
kaya andito kame sa as usual, sa S-link!!!
hehe!!!..
gunbound!!!

Sunday, July 17, 2005

hai lyp!

hai nako ala ko magawa sa lyp!
dae lang namen weport!
tafos ala pa 'cong fera famvile ng vince's lyp!

medyo masaya naman,
makulet ung instructor namin sa ROTC kanina,
hehe!
tapos buti nalng naalala ko na opening pala ngayon ng UAAP volelyball!
tapos un!buti naabutan ko pa ung last game!
la salle vs. feu,(pasin tabi sa mga kaalyansa ng la salle) pero parang weak na sila ngayon!
natural hindi pwedeng matalo unng skul ng idol ko na si kuya Roland!
siyet!!! tambak!!



uhm.....



unlang




nxt tym nalang my blog!!


gogogo TAMARAWS!!!!!!!!!



'steeg lyp ko!



tsiaw!:)

Wednesday, July 13, 2005

2.25

kahapon nag-praktis kami ng mga ka-group ko
para sa LA walk dance namin pra bukas.,
at ang tugtog namin...tell me where it hurts ng MYMP!!!


eto nga kakatapos lang namin mag-PE
at lahat kami ng mga ka -goup ko e
tmataginting na
2.25 lang ang grade!!!siyet!!

ba't gan'on?
hindi ko rin alam!!!
sabi ni prof. e i-nannounce daw niya
na na kailangan daw masaya
ang tugtog para LA walk dance
(wag niyo ko tanungin kung walk ba yun o dance!ok!)
e hinde naman namin alam yun!!!!
guni-guni lang ata ni prof. na may i-nanounce siya!!:)

ang saya-saya ngayon!!!ang dami namin dito sa S-LINK!!
tapos wala lang masaya lang!!!

Thursday, June 30, 2005

How much are you? (hehe..)
Isang guy ang sumakay sa isang bus..
pagsakay sabay ang bayad..
inabot ng kundoktor ang sukli..
hawak lang ng guy yung pera sa palad..
diretso sya sa likod ng bus..
sa sobrang pagod,
nilagay na langsa bag ang pera,
sabay tulog..
pagkatapos ng maikling idlip,
naisip bilangin ang sukli..baka raw kulang..
hehehe..
nkita ng guy,sobra ang sukli ng 25cents..
napaisip, habang may bumubulong sa tenga nya..
"isauli mo yan, di mabuti ang mandaya!"
---sabi ng isa--
"hwag mo nang isauli,
ano ba yang25cents sa kikitain ng bus company,
barya lang yan, gawin mo nalang blessingng Diyos sa iyo yan.."
--sabi nman ng isa--
nakarating ang guy sa pupuntahan..
bababa na sana ng biglang maisipanna ibigay ang sobrang sukli...
"sobra po ang sukli nyo sakin kanina.."
nagtanong ang driver ng bus...
"di po ba kayo yung bagong pastor dyan sa kabilang kanto?"
"opo, ako nga" sagot ng pastor"
pinasobra ko po talagaang sukli nyo kanina,
tinitignan ko kung ano ang gagawinng aming bagong pastor..
sige po,kita nalang tayo sa church sa linggo,ingat po kayo.."
di nakaimik ang pastor habang bumababa..
pag apak sa daan,
kaagad niyang nilapitanang isang poste at niyakap ito,
habang..
unti-unting tumulo ang luha ng pastor,
at nanalangin sa Diyos...
"Panginoon, patawarin nyo po ako,
muntik ko ng ipagbili ang isang kaluluwa
sa halagang 25 centimos!"



Magkano ka ba talaga? ; )

Saturday, June 25, 2005

si kc arce

nanganak na si shielamae!!!!!! (ung asawa ni jun!) ,nung june 10!!!
pangalan niya kc!!!(nakalimutan ko nanaman ung meaning nung kc niya e!!)

tapos un!!masaya kasi nagkita-kita nanaman ung mga pinaka-siraulo sa team namin!
ako,si jun tsaka si philip!!!

tapos un nag-volleyball kami sa iskul!!

as usual!!sabi ni jun susunod daw siya para maglaro!!

hindi nanaman pumunta!!!(malamang hindi nanaman pinayagan ni shiela!!)

tapos un!!nakalimutan ko nanaman ung payong ko at medyo nabasa at medyo nabasa ako
pero kahit basa nakapag-online parin ako!!!

kung magkataon e si kc ung unang inaanak ko!!!

nakana!!!ninong na 'ko!!!


hi inaanak!!!!

wish you all the best in this world!!

alam ko mas magiging magaling ka pa sa'min na volleyball player!!!!

Thursday, June 23, 2005

centerpoint sa sta. mesa

naalala ko dati na ung friend ko
(itago nalang natin siya sa pangalang moymoy)
ay niyaya naming magfe-friends
na mag-malling galing kaming PUP
papuntang SM centerpoint tapos sabi niya e
"dun nalang sa SM Sta. Mesa"
(nagulantang ako!!!
nag-jo-joke ba sya?
un pala e di niya talaga
alam naiisa lang un!!!)

by the way nabanggit ko lang kasi kakagaling ko lang SM centerpoint sa sta. mesa!
un bonding nanaman kami na mga klasmeyt ko!

may nalaman nanama akong araw na ngayon....
na....
hindi naman pla suplada si apple!!

close kaagad kami!!

gusto mong proof ?

punta kang wallet ko!!

nga pala nalaman ko kahapon na
mabait rin pala sila karel,vid,majane,magarett,ian!

tsaka nga pala sila justin,kevin,....
(sorry sa mga hindi ko nalagay,nagmamadali kasi ako e)
tama pala ung napili kong course sigurado akong di ako magsasawa dito sa section na 'to!!

time ko na dito sa shop,next time nalang!

Monday, June 20, 2005

spider man

tama pala ung desisyon ko na wag manood ng spider man
kagabi kung hindi e di sana bangag na naman ako
sa pagpasok dahil sa puyat!!

un nga pumasok na ko,,

ang sarapng sound trip sa jeep!!!
linkin park, sandwich tsaka slapshock!!!!

un tapos hindi pumasok ung prof. namin sa math,
medyo maaga kami nakalabas ng klasrum!

nagkita kami kanina ni nolyn,
un may usapan kami na aantayin
namin siya ni ram kaso nagmamadali kami
libre ko nalang siya bukas!

tapos bili ng libro!!
nakilala ko si LA ung klasmeyt ni chris
kasama namin pagbili ng libro

tapos uwi na!!...

tapos check ng friendster ko ...
may message si mharres,
buti nakaalala siya,

tapos naalala ko na may blog pala ko
at hindi na ko nakakapag-post!!!

tapos mamaya-maya uuwi na ri ako!!!





: )

Saturday, June 11, 2005

sabado,walang magawa!

punta uli ako sa iskul (hindi sa PUP, sa batasan, para lang mag-balibol),

parang kusang gumagalaw ang katawan ko para mag-balibol.

ung tipong hinahanap-hanap ng katawan mo ung paglalaro!

kaya hanggang ngayon e undecided pa 'ko kung magta-try-out ba 'ko sa PUP

pasok muna ko sa tuesday tapos pag kaya ng katawan ko ung araw-araw na biyahe bakit hindi?

paalis na ko dito sa com shop papuntang iskul.

pramis next time e maganda-ganda na yung ipo-post ko!

Friday, June 03, 2005

hay wala akong nai-post nung May kasi wala lang!hihi!

hmm....

wala kasi akonmg maisip e!.......

pwede kanta nalang ako!!!

masaya un!

ang walang kamatayang.........


tatlong bear

may tatlong bear sa loob ng isanng bahay,
si papa bear, si mama bear at si baby bear.
si papa bear ay napaka lakas,
si mama bear ay napaka ganda,
si baby bear ay napaka sigla!
tingnan niyo, tingnan niyo!
ang saya nila!

Wednesday, April 27, 2005

utang

nagtitinda ako kanina, mga 11 ng umaga, nang dumating sila ram,chris,labo at rojel, magbabayad daw ng utang si ram.tapos hiya naman ako pinapasok ko sila tapos syempre hindi pwedeng kwetuhan lang ng walang laman ang tiyan kaya pinamerienda ko sila. e tanghali na dapat kanin kaya kain naman kami ng kanin (syempre binayaran na nila ung de lata, nao sila palibre libre na nga ung tinapay e,hehe!!)tapos back to kwentuhan,nood tv ,kwetuhan,
tawa,kwentuhan.tapos kinuha ko yung camera, asar!! ubos na pala yung film!!!tapos lipat kami sa kwarto ko, kwentuhan uli!!hinalughog nila yung ibang gamit ko tapos tawa uli!!haha!!binuksan ni ram yung libro ko na
pang-architecture, pumunta kami dun sa page ng optical illusion, yung illusion ng matanda at batang babae,hindi makita ni ram ung batang babae, si labo naman ung matanda,hehe!!tapos baliktaran naman ng word, ginawa ko yung nababaliktad na 'Ambiguity',si jet 'bog',hehe!si labo pod, si chris naman 'mel',tapos baliktaran naman ng letter, tulad ng 'live on no evil' at 'refer', si ram naman, 'nasa bayabasan',tapos tawa uli!!

yun!

inabot kami ng alas tres!!....

kakakwento...

kakatawa...

kaka-maximize ng time
na alam namin na
matagal-tagal pa bago
maulit...



at lahat ng ito ay dahil lang sa utang ni ram!!hehe!

salamat sa kanya at nagkautang sya sa'kin dahil sa...

...long nose na project namin kay sir garen!!:)

Monday, April 25, 2005

untitled na lang.

natapos narin ang nakakapagod at MEDYO masayang ferwel!!!
nakakapagod kasi nga may amazing race na pakulo si jolu..
masaya magpahirap ng mga kaklase!!hehe!kala ko lang pala un
parang mas napagod pa kami ni jeraldine kakatayo at kakahintay
sa mga pair kesa sa kanila!!pero ok lang manuod habang ginagawa
nila ung mga challenges!!hehe!(sadista),tapos naligaw ung isang
pair kaya ang tagal naming nag-antay dun sa julie's!!
masama pa nun, nagkandaligaw-ligaw pa kami ni je sa up
palusot namin ay chi-nallenge namin ung mga arili namin!!

kumain...

nag-announce ng ultimate survivors!!

sila elna at seasy ang nanalo

naglaro ng korning game (game kasi isa lang talaga ung game at di nagpre-pare ng iba pa)

mag-senti ang plano ni macky pero maraming paring pasaway
na nagpapatawa, syempre kasama rin siya dun!!hehe!!
nangilid lang ung luha ko sa mga sharing namin!!!
tapos ginabi kami!!

ang masasabi ko lang sa mga killjoy.....

......may next time pa naman!!!

pero mga HAYUUUUUP parin kayo!!!!!

LABYU OL!!!!!!!!!!!!!!



pahabol.........thanks nga pala kay sir biske....lam niya na un!!!!!!

kahapon dapat.

so un nga kwento 'to para kahapon, hindi ako nakapag-on-line kasi ang hapdi ng likod ko kasi kakaligo lang namin sa beach sa la union, sarap sobra!!!mainggit kayo!!!hehe!!!pumunta kami dun ng pamilya ko para makita si lolo't lola!!!angsaya malalakas pa sila!!hehe!un, natulog kami sa banig,tapos dalawa lang ang channel ng tv nila,pero masaya nakalanghap din ng sariwang hangin!!

ok

tapos ngayon kweto ko naman ung fairwell....

next post naman!!...

Monday, April 18, 2005

edae

hay naku!!!aalis na si mahal kong si eden!!!
kailangan niya kasing pumunta sa iloilo..
you know,sa UP na hindi ako nakapasa!!hehe!
kaya ngayon sinusulit ko na kapit-bahay ko naman
siya e punta 'ko lagi sa kanila,tapos bigay ng mga
bagay-bagay na makakapag-paalala ko sa kanya
pamaypay,sulat,picture namin nung 2nd year
na puro kami pintura sa mukha,remember yung sa
choral namin!!na natalo kami!!(pina-alala mo pa!)
tapos yung mabaho kong unform sa volleyball!!
mami-miss ko yung bespren ko na yun!!

wala na 'kong maisip na i-type,
naiiyak lang ako!!!

Friday, April 15, 2005

iyakin.

wala akong maisip ngayon kasi wala namang masayang nangyari sa life ko ngayon!!
hay naku!!!buhay!!gradweyt na kami!!!yun lang ang mahalaga sa mga panahong ito!!
tapos na ang pahirap!!its time to face not the pahirap anymore but HELL!!!
OO!HELLLLLLLLL!!bwahaha!!BWAHAHAHA!!(takutan?)kitakits nalang kami ng mga jologs kong klasmeyts sa monday ...ewan ko kung ano mangyayari??malamang kulang-kulang kami.....siguro sila yung mga ayaw umiyak,,,,o kaya may mga outing na pupuntahan na mas importante sa mga jologs klasmeyts,at ako, isa sa mga jologs na gustong umiyak sa monday!!!(ehem senti ng konti sa kompyuteran....)

HAYOP!!!!
parang yung elementary lang to e!!!iyakan kami nang iyakan!!!tapos nagkita-kita rin kami sa bhnhs!!!
at ngayon,,,,andami naming mapi-PUP!!!.....hehe...praktikal lang!!!!!.....uhmmmmm......pero gusto ko paring umiyak!!!.....BASTA KLASMEYTS...hindi tayo MAGKAKASAMA-SAMA,pero HINDI TAYO MAGKAKAHIWALAY!!!!asteeeg!!! lufeeeeeet!!!

Wednesday, April 06, 2005

isang malupet na gabi!!

ayan na nga,dumating na ang alas-singko ng hapon at medyo dumidilim na!nafi-feel ko na ung malamig na hangin, nice one sabi ko kay wind kasi maraming magpapa-akap na girls dahil sa kanilang mga backless gowns!hehe!
so un na nga,nag-umpisa na ang kasiyahan at kami andun lang sa covered court nag-aantay na tawagin ang mga kotilyon.tapos nagsalita ang mga jologs na emcee (joke lang po!) tapos nagsindi ng kandila (na maya-maya'y namamatay dahil kay kaibigang wind) na tinuluan ang maganda kong coat!!yun na nga tinawag na nga kame para sumayaw!!malupet!mukhang impress sa'min ang pricipal!!tapos nambola naman si rac ng mga istudyantang seniors kung ano ang kanyang mga prophecy sa kanila!!(at buti nalang ay hindi niya nabanggit na magnanakaw na si macky after some years!hehe!) tapos maya-maya ay ibinigay na ni gracshiel ang malaking susi kay krishna na upcoming president ng ssc, na nagsasabing pangalagaan nila ang mga nasimulan namin at patuloy na pasikatin ang paaralang Batasan Hills Natioanal High School!! tulad ng nagawa namin ngayong schoolyear!

(yeah!proud to a senior of this batch!!) tapos sumigaw na ang mga emcee na imbes na "the roof is on fire" e
"the floor is burning" nalang kasi ung line na un e para sana sa Bahay ng Alumni sa UP kaso maraming pasaway an huli nang nagbayad!

anyway,tumugtog na nga ang mga malulupet na disco beats and you can see from ur seats na floor is really burning!!tapos maya-maya ay sweet pinaka-aantay mag malulupet na katuga!para yayain ang kanilang mga gf,crushes para sa mga wala,bestfriends,klasmeyts,at siyempre ang target ng hindi lang mga katuga, kundi karamihan sa mga senior guys, si miss barbosa!!

habang sumasayaw e pwede nang kumain ng malamig na fried chicken w/ pizza sauce and fruit salad (cocktail) at in can na softdrink!ewan ko lang ha,pero sa paggamit namin sa iskul e alam ko na malaki ang natipid namin,pero ni mineral water dun sa tabi e for sale pa!!

after ng matagal-tagal na sayawan e pinagtatawag na ung mga nominees para sa mga iba't ibang categories at as expected,natawag ako!(joke lang!) tapos nanalo ako ng "best in formal attire"!! ewan ko kung dahil sa kakilala ko una mga (jading) na judges, sa galing ko raw magdala!hehe!o dahil sa bulaklaking maroon kong tie kung kaya ako nanalo?at nanalo rin si erna as prom queen at jeffrey as prom king (sayang un nga ang target ko e!)

tapos sayawan uli at isa sa mga pinaka highlight ng gabing iyon ay si miss barbosa ang aking last dance!!!hehe! inggit ang mga katuga!!!

at marami pang iba ang nangyari sa gabing iyon idadagdag ko nalang pag naalala ko!!

Tuesday, April 05, 2005

untitled.

this is it! ang isa sa m highlights ng highschool life sabi nga nila!mamaya na yon at e2 'ko ngre-rent parin d2 kila manang.exciting!ano kaya ang maga mangyayari mamaya?masasayaw ko kaya si ma'am barbosa?hehe unahan nalang kami nila patrick at edwin!sana maging masaya!'tong gabing 'to!!.

at eto na nga...!..nafi-feel ko na na malapit na ang wakas ng hayskul lif!!tang-ina kasi yan parang may kulang..?parang hindi ko nasulit ung apat na taon ko sa hayskul!!parang gusto ko pa ng isa pang taon para mapadama sa mga klasmeyts,teachers and friends ko na mahal na mahal ko sila!!!pero nangyari na at wala ka nang magagawa pa...ya i know my klasmeyts!!we will still be around for each other!!para saan pa ung yahoo groups,website,at ang mga sandamakmak na mga autograph na iyong pinipirmahan oras-oras!!

ang mag boys,hindi uso sa kanila ang mga sulat-sulat na iyan,simple lang sila..ang KATUGA at ung 5 hinde e masasabi kong close talaga,ang sumisimbolo sa kanila ang kanilang walang kamatayang kamayan (ung parang pang-frat pag nagkikita-kita sila!),ngayun-ngayon lang e nauso ung kamayan na pina-uso ni gerald at edwin na with matching talun-talon pa!na natutuwa si macky pag nauuto niya ung ibang girls na gawin to.....

(to be continued.....)

yan,ayn ang mga simpleng bagay na pag naiisip ko ay nasasabi kong hindi nakakapang hinayang ang apat na taon sa sekundarya!!!!think positive guys it doesn't end THERE....

Monday, March 28, 2005

FMB check na kayo!

FMB baw! yan po yung in-applyan kong scholarship at nakapasa !!hehe!lufet ko noh?so yun ng eto na yung kasunod ng (....) ng previous post ko,punta na nga kami dun sa saint peter ek-ek osmething building na yon na puro patay ang nakaburol,honestly speaking, nawi-weidohan ako dun sa dun sa lugar na yun parang boring!!that was my first impression then, LANGHIYA!!!pagkagaling ko dun sa malagkit naming praktis ng cotillion e dito pala kami didiretso sa napaka-bonggang party para sa amin!!lufet pare!!parang may napakagandang pagsasalulo o program sa iskul natin kung ikukumpara dito sa welcoming party para sa mga bagong iskolar ni "tatay" francisco, nakabalot ng tela yung mga chairs,bufet type ang kainan!!lufet talaga!!tapos yun nga with matching
live band pa to go with the mass!tapos daming tao sa pila ng kainan, kasi pati yung mag employee ng saint peter ay nakisabay sa mga nagpipitagang iskolar ni tatay francisco!pati rin yung mga maintenance kasabay rin namin ambait nila noh? sabay-sabay kahit sino ka man! kaya ngayon iba na ang impression ko sa FMB, masaya pala ditoh!!!tapos habang nakapila sa hinahanap naming halo-halo e pinagtatawag na kami!! buti nalang binigyan ako ni ate manel!hehehe(lab you 'te manel!)so yun nga!nakuha ko na yung certificate ko!!!YEAH!!!iskolar na 'ko ni francisco!or i should say anak na niya 'ko!!at tatay francisco ko na siya!!ayos talaga dito sa FMB!!LUFET!!!!
kaya lahat tayo!!FMB check na kayo!atin 'to!masaya 'to!(pamilyar ba?)

bakod

hay naku!!! ang sobrang daming nangyari ngayong araw na 'to malufet talaga 'tong mar. 28 na'to!!!umpisahan natin siyempre nung madaling araw,kakatapos ko manood ng "meet the parents" at sa kadahilanang ito,ay nagising ako nang late!!!!in-alarm ko naman yung cp ko kasa low bat pala!!! kaya nung nag-alarm, NAMATAY!!pero pasok parin ako expecting na papasukin ako kasi konti nalang ang nalalabing araw ng pasok feeling ko hindi na ganoon kahigpit yung guard,,hindi parin ako pinapasok!!so yun, at nakita ko yung ka-team mate ko na si jun,nag-BAKOD kami! hehehe!dun kami nag-BAKOD sa covered court nagtago lang kami sa likod ng poste tapos tinalon namin yung pader na pinagsawan na naimng akyatin tuwing napupunta dun yung balibol namin!!SOLB!!nakapasok kami ewan kung bakit kami pumasok?wala namang ginagawa sa room!!pero nagpakahirap pa kami na magbakod e kung tungkol lang naman sa clearance e pres. naman namin yung
nag-aasikaso!!alam ko na yung dahilan!kasi hindi buo yung araw ko ng hindi ko nakikita yung mga klasmeyt ko!huhuhu!!!!mami-miss ko talaga tong mga astig na klasmeyt to.so yun nga, tapos nagpraktis kami ng cotillion ever!!!na hindi kami pinakain ng lunch,na pinagod kami,na pinag-antay kami, na supposedly ay mag-umpisa ng 10 am at matapos ng 12 pm, na-extend ng 1pm,at 2 pm,at 3 pm, at finally 4 pm!! taos walang uwi-uwi diretso kagad kami sa FMB.......

Tuesday, March 22, 2005

si betchay

si betchay is my friend!eto ako kagagawa lang ng kanyang bagong email add,pra daw sa yahoogroups ng section namin,IV-STAR!yeah!proud to be star!hindi lang dahil sa section ko,ahem,kasama 'ko sa starstruck sa room namin,(yung pakana ng aming validictorian!ey!congrats nga pala!)na kasama rin si betchay!ano pa ba? ay maganda rin siya!maputi,(paitim ka sa bakasyon ha!)kung makikita niyo ung gradpic namin,siya ung nasa gitna,e maputi nga siya kaya angat na angat siya sa lahat!glow in the dark!nga pala nasa honors din siya!congrats din!ayan po si batchay!....

dahil ako nga ang gumawa ng email add niya e di pwede kong buksan at basahin ung mga messages niya!bwahahaha!=)

Monday, March 21, 2005

friendly friend

Friendly friend as I call her
For all the time she's been there
To cheer me up when I am sad,
To coo me down when I am mad.

A person who's worth keeping,
Through each day of my every living
Hope this will lasts and never fade;
A friendship she and I had made

Friendly friend as I call her
For all the time she's been there
I promise to love her with everyday I spend
.I love her now, I love her then,
And I'll still love her 'til the end.

olats!

sus,di ko pa nababalitaan na talo na c pacs kahapon eh nafi-feel ko na olats n siya kc halata naman sa reach ng kalaban niyang c morales-72", e siya,67" lang!ewan ko baka cguro wala lang siya sa kondisyon..?
sabi nila bayani parin daw si pacs!!ok bayani sa bayani!pero olats parin!!hehe!(joke lang sa mga fans jan!)
nagyon alam ko na,sa lahat ng ginagawa natin,....wag natin pangunahan ng yabang!!(bato-bato sa langit ang tamaan, mamato ng tinapay!)dats ol baw!....uhmmmm...OLATS!:)

Saturday, March 19, 2005

ambon

eot inutusan ako ng papa ko na maningil sa UP(ung sa karne) tapos umambon!saukbit ko sa kili-kili ko unglibrong hiniram ko kay solabs.takot nga 'ko baka mabasa ng ambon, buti nalang hindi lumakas!nakita ko ung volleyaball player UP pero nahihiya akong magtanong tungkol sa try-out.hehe,tanga para nga may backer na'ko hindi ko pa kinausap,tapos eto ko pagkatapos mag-internet uwi ng bahay tapos ligo tapos praktis ng volleyball sa iskul baka sakaling lumakas . sige see ya na lng phatbone.ngayon umaambon parin.ganda ng tugtog d2,blck-eyed peas!

Friday, February 11, 2005

Tula ng Pagtatapos

natatandaan mo pa ba
unang pasok sa sekundarya?
alam momkasing dumating na
pinakamasayang taon sa eskuwela

pagpasok sa unang taon
sobrang excited ka non
mga bagong klasmeyt at kaibigan
iyong nakilala, mga bagong pangalan

dumating na ang second year
iba't ibang teachers, nag-appear
may bungo, may mabait
mayroon ding saksakan ng sungit

tuwang-tuwa ka nang sumonod na taon
alam mo kasing may JS Prom
itutuloy mo na sana ang panliligaw mo
pero 'di natuloy, amg Prom mismo!

pagtungtong mo sa huling taon
dito na gagawin paggawa ng desisyon
kung anong iyong magiging misyon
saan tutungo sa susunod pang mga taon

sa taon ding ito, iyong nadama
tunay na kaibigang kumakalinga
napatunayan mo ring hindi tama
magmahal sa taong wala kang pag-asa

subalit may lungkot o saya man
sa hayskul mo lang ito mararamdaman
nahubog, namulat sa katotohanan
kaibigan pala, dapat pahalagahan

kaya sa iyong pagpapaalam
mga alaala 'wag mong iiwan
upang iyong 'di makalimutan
sa buhay haysul, ika'y dumaan.

Tuesday, January 25, 2005

iyak mo nalang

Naglalakad ng umulan
Nililimot ang nakaraan
Ang luha ay dahan dahan pumatak
Dinarama ang sobrang kalungkutan

Pinilit sumikat ng araw
Sa likod ng makapal na ulap
Ang matay bahagyang nabihag
Binigyan ng kaunting ngiti at saya

Sobrang kalungkutan ang nadarama ko
ngayon
Pinagmamasdan ang pagbagsak ng mga
dahon
Laging masama ang gising sa umaga
Ubos na ang dahilan upang maging
maligaya

Nilimot ko na ang lahat
Ngunit sa isip ay di ka mawala
Bumabagabag sa aking puso
Nahihirapang huminga

Magpahinga ng habang buhay
Sanay di na lang nawalay
Sa lahat ng magagandang ala ala
Ang hirap ng limutin ka....

Wala ng lulungkot pa........

Tuesday, January 18, 2005

IMBESTIGADOR

*dalawang,kalbo,nagsabunutan!
*capt.hook,dumaan sa quiapo.napirata!
*palaisdaan,nasunog!
*tahanang walang hagdan,inakyat!
*bakla,sumali sa away,napasubo!
*bagong tuli,nagyabang,lumaki ang ulo!
*unanong madre,napagkamalang
penguin!
*bulag,nakapatay,nagdilim daw ang
paningin!
*iceman,nanood ng porno,nag-init!
*tindera ng suka,tinoyo!
*teacher,nagkamali,tinuruan ng leksyon!
*lolo,naakusahang ng rape,pero sa
korte,biktima ayaw tumayo!
*eroplano,nag crash,pasahero namatay
lahat sabi ng survivor!
*basurero,nagsampa ng kaso,ibinasura!
*dahil sa reklamo,eskwelahan ng mga
bingi,nag noise barrage!
*tubero,nagkatulo!
*lalaki natagpuang pugot ang
ulo,inaalam pa kung buhay!
*barbero,tumestigo sa krimen,ayaw
paniwalaan!
*misis ng photographer,nakunan!
*tindera ng tubig,namatay sa uhaw!
*kaso ng pilay,nilalakad!
*bakla,lumuhod sa simbahan,pinalabas!


sa mga kalukuhan, sa mga kabalbalan!
inyong tatandaan di namin kayo
tatantanan!!!!!!