Tuesday, January 25, 2005

iyak mo nalang

Naglalakad ng umulan
Nililimot ang nakaraan
Ang luha ay dahan dahan pumatak
Dinarama ang sobrang kalungkutan

Pinilit sumikat ng araw
Sa likod ng makapal na ulap
Ang matay bahagyang nabihag
Binigyan ng kaunting ngiti at saya

Sobrang kalungkutan ang nadarama ko
ngayon
Pinagmamasdan ang pagbagsak ng mga
dahon
Laging masama ang gising sa umaga
Ubos na ang dahilan upang maging
maligaya

Nilimot ko na ang lahat
Ngunit sa isip ay di ka mawala
Bumabagabag sa aking puso
Nahihirapang huminga

Magpahinga ng habang buhay
Sanay di na lang nawalay
Sa lahat ng magagandang ala ala
Ang hirap ng limutin ka....

Wala ng lulungkot pa........

No comments: