Sunday, March 20, 2011

mahal kita kase...19



kase...

ako ay isang malungkot na bata palakad-lakad lang wala rin namang mapupuntahan at madalas akong madalas at nung parang ayoko na buti nalang nand'yan ka buti nalang nand'yan na ka sinta pa'no na lang ako kung wala ka sinta.

nung freshman ako hindi ako nagbalibol kase gusto ko i-explore ang school, kung may org akong mati-tripan, kung san pinaka murang compyuter shop, kung san pinakamurang pagkaen, kung san ako magiging masaya sa palagay ko. naka -meet ng mga bagong kakilala, sa mga kakilala na 'yon 'di pa sure kung sino ang magiging kaibigan, sa mga kaibigan na 'yon 'di mo pa alam kung sino ang tumuturing den na kaibigan sa'yo. sa mga kaibigan na 'yon di mo alam kung sino ang aalis, makakalimot, mag-i-stay.

habang ine-anjoy ko ang maganda ambience ng iskul isang hapon e nakita ko na lang ang sarili na nakaupo sa bleachers ng gym nanunuod ng balibol. hindi naman ako magaling, mahilig lang at walang pagsisi kong ginawa ang gusto ng puso ko.

nung sophomore ako, habang palaboy-laboy sa grounds ng pup nakita ko na lang ang sarili ko may hawak na kamay, kamay ni monina. naglalakad kame at sinusubukang mapagod kakalibot sa campus. hindi bumibitiw. hindi napapagod. hindi nangangawit.

minsan ako'y naligaw ng daan tinalikuran ng kaibigan at bigla na lang napagiwanan at madalas akong madulas at nung parang ayoko na buti na lang nand'yan ka buti nalang nand'yan ka sinta.

ang tahanan mo ay kung saan ka nananahan.

nakilala si monina. kakilala. kaibigan. hindi umalis. hindi nakalimot. nag-stay...
march 19, 2011, nagmumuni-muni, paglingon ko nand'yan paren s'ya oh!

mahal kita monina santos fernando.



-mark christian gomez bolences





mahal kita kase...18




kase...

kahet ala na'kong braincells kusang tinitipa ng mga kamay ang walang malay na tiklado ng kibord na'to. hindi mapigilan ng puyat at pagod ang paglabas ng katas ng piniga kong utak para matintahan ang mga blangkong webpage ko dito s blogger. kung 'alang pang-load sa smartbro mag-renta sa compyuter shop. kung 'alang pera mangutang sa kabarkadang may-ari ng kompyuter shop. kung nanay niya ang bantay e mangutang sa mga kabarkadang naglalaro den sa kopyuter shop. kung 'alang kuryente gamitin ang generator na balak pa lang bilhin. dahil nga sa walang generator e gumamit ng draft sa papel o lumang kuwaderno. kung walang bolpen at lapis e gumamit ng dugo bago liparin ng hangin o kainin ng lupa o paandaran ang pagka-ulyanin sa batang edad ang mga ideya at saloobin at magpauso ng sanduguan sa sarili lamang...walang sinuman, anuman, saanman, kelanman, paanuman ang pipigil sa lalaking ito para maipadama sa babaing makulet siga na mukang pusa ang kanyang pagmamahal.

mahal kita kase...17


















kase...

masaya!

masaya ko sa'yo...

masaya ko sa family mo...

makulet si mader mo...mahilig magpabili ng tsinelas...

mataray si ate mo...in a cute way...bilhan lang naten ng pantulog/panggising masaya na s'ya...
(kaso ba't daw sleeveless eh giginawen siya sa aircon)

ayus si tito bombie mo...sarap magluto...

baet mga tito, tita mo...lage ako welcome!...sarap talaga umuwe sa inyo...

kasundo ko mga pinsan mo...

si joanne, analyn at angie...nag-aantay lage ng jokes ko...

si laarni...hehe...apir!

si koko...the best!

si khakha...ayus den naman...

si macmac at jen...dad! mom!

si carol...lage ako pinapalo 'pag tinitisod ko s'ya...

si maelyn...'asan n nga ba si maelyn...

si jr at pepe...hehe...puro lakokohan...

si buboy at angelo...pakabaet sila kamo...



hindi ako mapapagod umuwe sa prelaya dati...ngayon sisi...

my third home...^^,

Thursday, March 17, 2011

mahal kita kase...16


kase...

kinikis mo ko sa noo...

kinikis mo ko sa escalator...

kinikis mo ko sa tryk...

kinikis mo ko sa ilong...

kinikis mo ko sa mata...

kinikis mo ko sa pisngi...

kinikis mo ko sa lips...

kinikis mo ko sa kamay...

kinikis mo ko 'pag asa mall...

kinikis mo ko 'pag tulog ako...

kinikis mo ko 'pag nagtutulug-tulogan ako...

kinikis mo ko 'pag gising...

kinikis mo ko 'pag gising-gisingan...

kinikis mo ko sa hangin...

kinikis moko sa harap ng ibang tao...

kinikis mo ko sa likod ng ibang tao...

kinikis mo ko 'pag galet ako...

kinikis mo ko 'pag hindi ako galet...

kinikis mo ko 'pag natutuwa ka sa ginawa ko...

kinikis ko kamao mo 'pag hindi ka natutuwa sa ginawa ko...

kinikis mo ko 'pag nagkikita tayu...

kinikis mo ko 'pag magkakahiwalay tayu...

kinikis mo ko sa text...

kinikis mo ko sa phone...

hhhmmm....'lam ko kinikis mo pati pichur ko...



kinikis mo ko kase mahal mo ko...

mahal mo ko kaya kinikis mo ko...


hhhmmm...ba't kaya ako nagpapakis...???


Wednesday, March 16, 2011

mahal kita kase...15


kase...

dahil sa'yo me impromptu poem si makatang macky...




brain cells ko laglag

i tried picking these up at ipagpag

and return to my tuktok na kailangan na ngayon

ng some filling up parang empty balon



sige pa sige pa just a little bit more

sige lang sige lang on what i'm aiming for

in 20 days, 20 posts

for my muning i love the most.


^^,

mahal kita kase...14




kase...

opposite poles attract...

kapag galet ka...chill ako...

kapag badtrip ako... relax ka...

CHILLAX!^^,

mapanget ako...maganda ka...

cute ka...acute ako...

mabaho ako...mabango ka...

relax buhok mo...nag-chill buhok ko...

palasigaw ako...pipi ka...

payat ka...mataba ako...

matakaw ako...sa tira-tira mapag-bigay ka...

behave ka...makulet ako...

adek ako...PDEA ka...

gimme five ka...up here ako...

DOTA ako...counter strike ka...

fruit game ka...bidyo karera ako.

lubak ako makinis ka...

matalino ka...ako medyo...

astig ka...tigas ako...(tigasaing)

...

...

..

..

.

.


^^,

Monday, March 14, 2011

mahal kita kase...13


kase...








hinde ka mahirap i-please...

isang meiji black lang...

isang toblerone...'yung pinaka-malaki...

isang pack ng m&m's

isang pack of 3 na ferrero...

isang large nacho king...

isang yakult...

isang hello panda...hinde koala's march ah...

isang V-cut...large

isang DQ...small, snickers blizzard...

isang froyo...small, plain...

isang gatorade...500 mL

isang (kilong)mangga...piko...

isang order ng siomai...papu's

isang yanyan...

isang shawarma...kahleb...tama ba?

isang isaw bbq...

isang chowfan...

isang sliced tofu...sa chowking...

isang mushroom steak... sa kfc...

isang sapatos...at isa pa...

isang tsinelas...na me pares...

isang trip to la union...

isang trip to puerto galera...

isang kiss...

isang hug...

isang matagal na kiss...

isang mahigpet na hug...



^^,










mahal kita kase...12



kase...


binibilhan mo ko ng mga simple pleasures ko...

isang pirasong shirt...

isang 4o pesos na sokoleyt...

isang double down...

isang half roll na goldilocks...

isang buy 1 take 1 na pizza hut...

isang snack box with wing...

isang 500mL na gatorade...

isang pares ng sintas...

isang pack ng macaroons...

isang box ng brownies...

isang dosenang donuts...

isang kiss...

isang hug...

isang matagal na kiss...

isang mahigpet na hug...

isang tsinelas...hehe...

isang sapatos...
























isang dahilan para mabuo ang araw ko...

isang dahilan kung baket ako ngumungiti...



^^,





Friday, March 11, 2011

mahal kita kase...11




































kase...

matured na tayo...

'lam ko gusto ko...

'lam mo gusto mo...

ginagawa ko gusto ko...

ginagawa mo gusto mo...

kase at the end of the day...

ikaw si nheng at ako si macky...

magkaibang tao...

magkaibang personality...

maluwag na tayu sa isa't isa...

...

..

.



parang 'pag kung trip mung magdumi...

parang 'pag kung trip kong mag-boksing...

oki lan sa'ten...



^^,









Thursday, March 10, 2011

mahal kita kase...10



kase...

sa laki kong problemang 'to...

laking saket sa ulo...

magulo...

nakakabato...

nakakangilo...?

ilong, utak, tenga, bibig mo dugo

laway mo tulo...

tigas kuko...

nakakakalyo...

nakakabobo...

nakakagago...

nakakalito...

nakakahilo...


sa laki kong 'to...

nabuo mo ako...Rubik's Cube...




















Wednesday, March 09, 2011

mahal kita kase...9

kase...

anu ba yan...tuyot na utak ko pang-siyam na araw pa lang...

hehe...

please understand nheng 'lam m naman bihira ko lang gamiten 'tong utak kong to...

magku-kwento na lang ako p'ede? maiba lang...

ash wednesday nagsimba ko pagkagaling sa opisina kanina...

kung 'yung ibang tao pinu-flaunt 'yung ash sa nuo nila ako hinde...natatakan ng bangs ko...

anyway...share ko lan 'yung homily ni father kanina...

nabangget niya kung anu mangyayare sa isang linggo na wala sa'tin si Jesus...

(me kulang siguro o me dagdag basta ganito 'yun)



A week without Jesus

Sunday=Sin-day

Monday=Mourn-day

Tuesday=Tears-day

Wednesday= Waste-day

Thursday=Thirst-day

Friday=Fear-day

Saturday=Shatter-day

= Days In A Weak



We should always walk with Jesus...

Wait lang...sama ka ba? me lakad ako...san?ke Jesus...

kung sa'n man tayu abuten...basta lakad lang...




Mahal kita kase...i know you'll join me walk with Him.


^^,








Tuesday, March 08, 2011

mahal kita kase...8



kase...


kahet 'di ka magaling magproject...

kahet 'di ka magaling mag-emote...

kahet 'di ka magaling um-angle...

kahet mahiyain ka...

kahet against the light ka...

kahet magalaw ka...

kahet nangangawet ka...

kahet magulo buhok mo...

kahet wala kang make-up...

kahet bagong gising ka...

kahet bagong tulog ka...

kahet kamay mo lang ang kita...

kahet nakatalikod ka...

...'kaw ang favorite kong subject...

...'kaw ang favorite kong model...

^^,







kahet hinde ako magaling...

kahet makulet ako...

kahet mahilig akong um-stolen shot...

kahet 'ala 'kong seminar na in-attend-an...

kahet 'ala 'kong proper study and training...

kahet 'ala kong PC...

kahet hinde ako marunong mag-adobe...mag-edit...

kahet hinde ren ako marunong um-angle...

kahet pasmado 'ko...

kahet madali akong mangawet...

kahet magulo buhok ko...[palage naman e...(connect?)]

kahet bagong bagong gising ako...(try connecting again...)

kahet bagong tulog ako...(connecting failed)...^^,

kahet 'ala akong camera...

...ako ang favorite photographer mo...

...i have a photographic memory...

^^,





mahal kita kase...7



kase...

kahet madalas ako late...hinde ka naiinep...

lagi mo ko inaantay...kahet ga'no kalayu...

lage mo ko inaantay... kahet ga'no katagal...

lage mo ko inaantay...ng naka-smile...^^,









ta's 'pag ako naman pinagaantay mo...

maiinipen...

pero hinde umaalis...

nakasimangot...

pero hinde galet...

kunware lang..

^^,


Parang itong post na'to dapat kahapon pa 'to e...Late...

^^,





Sunday, March 06, 2011

mahal kita kase...6



kase...


ang cute mo...







ang cute mo tumawa...isang bagsak lang...ahi!^^,



ang cute mo ngumiti...weh..


ang cute mo mangkagat...maliit!ansakit!


ang cute mo humatsing...parang tawa mo lang isang bagsak!hehe...


ang cute mo magselos...galet-galitan...


ang cute mo magalet...inis-inisan...


ang cute mo mainis...tampu-tampuhan...


ang cute mo magtampo...tahimik lan...


ang cute mo 'pag tahimik ka...nakakatakot...ibig sabihen merong samting...


ang cute mo 'pag tahilmik ka...kala mo merong samting...


ang cute mo 'apg pinapagalitan kita...mas cute actually...^^,


ang cute mo kumaen...anu pa ba edi parang pusa...


ang cute mo uminom...ng alak...naku!sukataegulongtambling!^^,


ang cute mo mag-break dance...ah hinde kapala nngbe-break dance!


ang cute mo maglakad...siga!


ang cute mo mag-jogging...mabilis na siga...^^,


ang cute mo bilang ikaw...


ang cute ng boypren mo...


ang cute mo at siya 'pag magkasama!!!^^,





^^,

Saturday, March 05, 2011

mahal kita kase...5


kase...

nakikinig ka...

sa mga trivia-triviahan ko...at naniniwala k naman...

sa mga jokes ko...at tumatawa ka naman...

sa mga kwento ko...kahet 'alang kwenta...

sa mga sigaw 'pag galet ako...deep inside naman tumatawa...

sa mga banat kong panabla...mabilis magtampo minsan nananaket pa...

sa mga side comment ko sa mga bagay-bagay...minsan nakakainis...minsan nakakatuwa...

sa mga music na trip ko...kahet minsan 'di mo naman trip...

sa mga papuri naten sa Diyos...Amen!

^^,

Friday, March 04, 2011

mahal kita kase...4














kase...


hinde moko iniwan...


hinde ka nagsasawa manuod ng balibol

ko...(nagbabasa/natutulog ka 'ata e)



hinde ka nagsasawa sumama 'pag me

laban...



hinde ka napapagod maglakad papuntang venue ng laro...





hinde ka naasar 'pag 'di kita kasabay paguwe kase me praktis...


hinde ka nalulungkot 'pag ala 'ko sa klasrum kase me praktis...


hinde ka takot sa bola...


hinde ka napapagod bumili ng tubig at gatorade ko...


hinde ka lumalayo 'pag ambaho ko na sa pawis...


hinde ka nahihiyang isuot 'yang malaking jaket ko...


hinde ka marunong magmasahe...atleast you're trying...


at higit sa lahat...hindi ka nagsasawang mag-cheer ng todo sigaw...


kahet sa loob mo lang...hehe...




^^,




Thursday, March 03, 2011

mahal kita kase...3


kase...

you know what you want...

you know what you like...

you know what you need...

you do and get what you want...

and i like it...

am i the one you need?

^^,



Wednesday, March 02, 2011

mahal kita kase...2


kase walang pagod ang
pagtakbo,
pag-jogging,
paglakad
'pag kasama ka...


sa trinoma...
sa tarnate...
sa sisa...
sa grocery...
sa kalye...
sa UP campus...
sa roxas blvd...
sa kanto ng aurora-edsa...
sa farmers cubao...
sa catwok...
sa teresa...
aso't pusa nagtatakbuhan,
nagjo-joggingan,
naglalakaran...

pagod ka na ba...?
kanina ka pa kase tumatakbo sa isip ko e...

^^,

Tuesday, March 01, 2011

mahal kita kase...1


kase... asar talo ka...

'pag nag-aasaran tayo talo ka...

'pag nag-tatalo tayo asar ka...

'pag feeling ko matatalo na'ko ngingiti na lang ako...

'pag feeling ko maaasar na'ko ngingiti pa rin ako...

'pag feeling ko mahal kita...

i can feel it(ala alice dixon!)

^^,