kahet ala na'kong braincells kusang tinitipa ng mga kamay ang walang malay na tiklado ng kibord na'to. hindi mapigilan ng puyat at pagod ang paglabas ng katas ng piniga kong utak para matintahan ang mga blangkong webpage ko dito s blogger. kung 'alang pang-load sa smartbro mag-renta sa compyuter shop. kung 'alang pera mangutang sa kabarkadang may-ari ng kompyuter shop. kung nanay niya ang bantay e mangutang sa mga kabarkadang naglalaro den sa kopyuter shop. kung 'alang kuryente gamitin ang generator na balak pa lang bilhin. dahil nga sa walang generator e gumamit ng draft sa papel o lumang kuwaderno. kung walang bolpen at lapis e gumamit ng dugo bago liparin ng hangin o kainin ng lupa o paandaran ang pagka-ulyanin sa batang edad ang mga ideya at saloobin at magpauso ng sanduguan sa sarili lamang...walang sinuman, anuman, saanman, kelanman, paanuman ang pipigil sa lalaking ito para maipadama sa babaing makulet siga na mukang pusa ang kanyang pagmamahal.
No comments:
Post a Comment