Sunday, March 20, 2011

mahal kita kase...19



kase...

ako ay isang malungkot na bata palakad-lakad lang wala rin namang mapupuntahan at madalas akong madalas at nung parang ayoko na buti nalang nand'yan ka buti nalang nand'yan na ka sinta pa'no na lang ako kung wala ka sinta.

nung freshman ako hindi ako nagbalibol kase gusto ko i-explore ang school, kung may org akong mati-tripan, kung san pinaka murang compyuter shop, kung san pinakamurang pagkaen, kung san ako magiging masaya sa palagay ko. naka -meet ng mga bagong kakilala, sa mga kakilala na 'yon 'di pa sure kung sino ang magiging kaibigan, sa mga kaibigan na 'yon 'di mo pa alam kung sino ang tumuturing den na kaibigan sa'yo. sa mga kaibigan na 'yon di mo alam kung sino ang aalis, makakalimot, mag-i-stay.

habang ine-anjoy ko ang maganda ambience ng iskul isang hapon e nakita ko na lang ang sarili na nakaupo sa bleachers ng gym nanunuod ng balibol. hindi naman ako magaling, mahilig lang at walang pagsisi kong ginawa ang gusto ng puso ko.

nung sophomore ako, habang palaboy-laboy sa grounds ng pup nakita ko na lang ang sarili ko may hawak na kamay, kamay ni monina. naglalakad kame at sinusubukang mapagod kakalibot sa campus. hindi bumibitiw. hindi napapagod. hindi nangangawit.

minsan ako'y naligaw ng daan tinalikuran ng kaibigan at bigla na lang napagiwanan at madalas akong madulas at nung parang ayoko na buti na lang nand'yan ka buti nalang nand'yan ka sinta.

ang tahanan mo ay kung saan ka nananahan.

nakilala si monina. kakilala. kaibigan. hindi umalis. hindi nakalimot. nag-stay...
march 19, 2011, nagmumuni-muni, paglingon ko nand'yan paren s'ya oh!

mahal kita monina santos fernando.



-mark christian gomez bolences





No comments: